NEWS
RESOURCES
FORUM
ARTICLES
FIELD NOTES
COMMUNITY INITIATIVES
PHOTO GALLERY
ABOUT US
HOME
Perfecto Solitario Jr.:
“Kilala ako sa pangalang JUN. Ako ay nagsimulang magtrabaho sa Unibersidad ng Pilipinas bilang isang utility Worker noong 1990. Nag-umpisa sa Building Research Service ng National Engineering Center at natapos ang paninilbihng ito nang tanggalin ang mga empleyadong kaswal noong 1995. Muli akong nag-apply sa Pahinugod-Diliman noong 1996 at itinalaga naman ako dito sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan (CSWCD).
Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya. Ang aking asawa at dalawang ank ang nagbibigay lakas at inspirasyon sa akin upang magampanan ng buong husay ang aking trabaho sa araw-araw.
Iisang pamilya kami sa kolehiyong at nakakapagpasigla sa akin. Kahit mababa lamang ang posisyon ko,hindi ko naramdaman na minamaliit ako ng mga guro at ibang kawani. Nagsasaluhan at nagtutulungan ang aming grupo sa paglilinis, lalo na sa mga pagkakataong mayroon kaming kailangan asikasuhin. Kaya lamang kung minsan nakakainis ang mga estudyanteng hindi marunong magtapon ng basura sa tamang tapunan. Pero mababait sila at nakakabiruan ko rin naman.
Ang inaalala ko ay sa mga panahong ito ay ang walang kasiguraduhang pagpanatili ko sa hanap-buhay ko. Gusto ko sanang makapagtapos ng isang vocational course, upang maging isang computer technician o di kaya electrician, para makakuha ng isang matatag na hanap-buhay. Kaya lang hindi ko magawa dahil sa kakulangan ng oras at pangtustos. Subalit kung ako ay magkaroon ng item at maging permanenteng mangggagawa ng unibersidad, maaari kong mapakinabangan ang mga pribilehiyong ipinakaloob ng administrasyon sa mga kawani na mapaunlad ang kanilang mga sarili.
Ang pagdarasal ko tuwing umaga bago magsimula ng lahat ng aking gawain ang siayng nagbibigay patnubay sa paglilingkod ko sa kolehiyong ito”. Back to Top
~ L. ANgeLes
Mula sa Opisyal na Publikasyon ng College of Social Work and Community Development, UP Diliman (Abril 2001)
NEWS
RESOURCES
FORUM
ARTICLES
FIELD NOTES
COMMUNITY INITIATIVES
PHOTO GALLERY
ABOUT US
HOME