NEWS
RESOURCES
FORUM
ARTICLES
FIELD NOTES
COMMUNITY INITIATIVES
PHOTO GALLERY
ABOUT US
HOME
Sa Binibining Nagmula Sa Katimugan
Kent D. Avestruz
Gusto kitang pagmasdan
lakbayin ng aking mga mata
ng walang hangganan
Sapagkat,katulad ka ng pag-asa
at kawangis ka ng araw
na sumisibol sa Silangan
Nais kitang salingin
yakapin at halikan
sa twinang nag-iisa
Sapagkat tinataglay mo
ang init na humuhupa
sa lamig ng pagkabalisa
Inaasam kong lagi
ika’y makatalastasan
at makatalamitam
Dahil ika’y intelektwal
na nagmula sa ibayong dagat,
sa hardin ng katimugan
Sigya ka ng puso
sa panahon man ng sigwa
o panahon man ng kapanatagan
Sana sabay tayong umunlad
sa teorya man o praktika
sa esensya ng talaban
Sa lahat ng bagay ika’y mahal
‘pagkat ikaw ay kasama
sa aking mga pakikibaka
Sa digmaang inilunsad
para sa kalayaang inaasam
ng bayang nais lumaya
NEWS
RESOURCES
FORUM
ARTICLES
FIELD NOTES
COMMUNITY INITIATIVES
PHOTO GALLERY
ABOUT US
HOME